Kristiyanismo At Islam
Relihiyong Pinaniniwalaan
Madaming iba’t ibang relihiyon ang kumalat sa buong mundo. Ito ang mga halimbawa ng mga relihiyon Buddhism, Judaism, Paganism, Hinduism, Taoism, Islam, Kristiyanismo at marami pang iba. Lahat ng relihiyong na ating pinaniniwalaan ay magkakaiba sa iba’t ibang aspeto. Ngunit nababatid naman natin na dahilan sa pagkakaiba ito ay hindi maiiwasan ang hindi pakakaintindihan. Maiiwansan ang ganitong pangyayari kung rerespetohin natin ang mga paniniwala ng bawat isa.
Ang Kristiyanismo at Islam ay ang dalawang relihiyong pinaniniwalaanng ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Katulad ng ibang bansa dinaiiwasan ang di pagkakaintindihan. Ang mga kristiyano ang kanilang Diyos ay si Kristo samantalang sa mga muslim ang kanilang Diyos ay si Allah. Ang katawagan naman sa lugar kung saan sinasamba ng mga kristiyano si Kristo ay sa simbahan at para naman sa mga muslim kung saan nila sinasamba si Allah ay sa moske. Ang libro naman ng mga muslim kung saan nakasulat ang kanilang mga banal na kasulatan ay tinatawag na qu’ran samantalang sa kristiyano naman ay bibliya. Dahil dito masasabi nga natin na hindi pwedeng pagsamahin ang dalawang relihiyon dahilan sa mga pagkakaiba nito. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na natin ituturing kapatid and ating mga kababayang muslim. Subalit dapat maging hamon ito sa atin upang mas patibayin atin ang pagkakaisa sa panahon ng kalamidad.
Bilang Pagtatapos ng aking repleksyon nais ko lamang sabihin na lahat tayo ay may sariling paniniwala kaya dapat natin ito respetohin bilang paggalang sa kanilang pagkatao. Mayroon tayong kanya-kanyang upang ipakita ang pagpapasalamat natin sa ating mga Diyos. Ngunit para sa akin bilang tao hindi pa rin mapapantayan ang pagkakaisa ng isang bansa upang tahakin ang landas na tuwid at tama. Tandaan natin na lahat tayo ay pantay-pantay lamang at lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon mabuhay upang itama ang ating mga pagkakamali bilang isang tao.
Recent Comments